Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Villasis noong Agosto 27, 2026 ang ikaapat na pamamahagi ng bigas para sa mga indigent families mula sa 21 barangay ng bayan.

   Ang programa ay bahagi ng “Bawat Bayan Makikinabang” na programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalayong maghatid ng karagdagang suporta at tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

   Sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), kabuuang 1,612 pamilya ang makatatanggap ng 10 kilo ng bigas bawat buwan sa loob ng anim na buwan. Layunin nitong makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at maibsan ang gastusin ng mga benepisyaryong pamilya.