Ipinamahagi ng LGU Villasis ang fertilizer sa mga rice farmers na nag-avail ng hybrid at certified rice seeds para sa Dry Cropping Season 2026. Ang pamamahagi ay isinagawa sa ating Villasis Palay Drying Facilities and Warehouse sa Brgy. Unzad sa ilalim ng DA–National Rice Program at RCEF Program Fertilizer Component, na dinaluhan ni Mayor Dita Abrenica, bilang suporta sa pagpapataas ng ani at kita ng mga magsasaka.

Pinangunahan ni Municipal Agriculturist Dionisio Cariño Jr. ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy nilang pagsusulong ng mga programang naglalayong mas lalo pang mapalago at mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bayan ng Villasis.