Sa ilalim ng programang Villasis Angat Pangkabuhayan Project, 250 na negosyante ng small-scale businesses sa Public Market at Bagsakan ang nakatanggap ng inisyal na puhunan na nagkakahalaga ng Php10,000 hanggang Php20,000. Ang naturang puhunan ay walang interes at maaaring bayaran sa loob ng 100 araw sa pamamagitan ng araw-araw na hulog, upang maging mas magaan para sa mga benepisyaryo.

IMG 1604 2

     Ang proyektong ito ay ipinagpapatuloy ng Lokal na Pamahalaan ng Villasis sa layuning tulungan ang mga maliliit na negosyante at bigyan sila ng mas matatag na pundasyon tungo sa pag-unlad ng kanilang pangkabuhayan.